Nagbabadya umano ang food crisis sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, isda at iba pang pangunahing bilihin.
Ito ang babala ni Senador Panfilo Lacson kung hindi tututukan ng gobyerno partikular ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ekonomiya.
Ayon kay Lacson, halos lahat na ng basic food ay tumaas ang presyo at hindi na ito kayang bilhin ng mga mahirap na pamilya.
Magugunitang hinimok ng senador si Pangulong Duterte na bigyang-pansin na ang ekonomiya sa halip na tutukan ang ‘war on drugs’ na maaari namang ipaubaya na lamang sa Philippine National Police (PNP).