Hindi na maaaring bawiin ang amnestiyang naibigay na.
Ito ay ayon kay San Beda Law Head Father Ranhilio Aquino kaugnay utos na pagpapaaresto kay Senador Antonio Trillanes IV matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibinigay na amnestiya sa senador.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Aquino na mawawalan ng saysay ang pagbibigay ng amnestiya kung maaari naman itong bawiin anumang oras.
“Alam niyo kasi sa amnesty ‘yan ay karaniwang ginagamit kapag may kaguluhan sa loob ng isang bansa at gustong mapayapa ang lahat so ipinagkakaloob ang amnesty at wala nang mga lilitisin na nakilahok sa kaguluhan, pero ito’y parang magiging isang instrumentong inutil kapag may takot ang mga tao na anumang amnesty ang ipagkaloob ay puwedeng bawiin anumang oras.” Ani Aquino
Samantala, ipinaliwang din ni Aquino na ang hukuman at hindi ang Pangulo ng bansa ang dapat na magsabi kung may mga kondisyong hindi tinupad si Trillanes sa naibigay na amnestiya dito.
“Whether or not conditions are fulfilled and therefore the grant of amnesty to Trillanes was valid or void that is a judicial matter.” Pahayag ni Aquino
(Ratsada Balita Interview)