Ligtas ang mga Pinoy sa paghagupit ng Typhoon Jebi sa Japan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Tokyo at sa Philippine Consulate General sa Osaka ay wala namang mga Pinoy na naapektuhan sa pagtama ng malakas na bagyo doon.
Batay sa datos ng DFA, tinatayang nasa 280,000 mga Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa naturang bansa.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga pamilya ng mga nasawi ng pananalasa ng bagyo sa Japan.
—-