Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang plebesito na magdedesisyon sa magiging kapalaran ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ang plebiscite period ay mula Disyembre 2, 2018 hanggang Pebrero 5, 2019.
Maari naman mangampanya para sa magiging plebesito mula Disyembre 7, 2018 hanggang Enero 19, 2019.
Nakatakda naman na magsagawa ng special voters’ registration ang COMELEC sa Bangsamoro core territories sa Setyembre 11 hanggang 13 ngayong taon.
—-