Nagkilos protesta ang mga guro sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) kahapon bilang pagsalubong sa National Teachers’ Month ngayong buwan.
Kabilang sa mga sumugod ay ang mga grupong Alliance of Concern Teachers at Teacher’s Dignity Coaliton.
Panawagan ng mga guro na taasan ang kanilang sweldo tulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Humirit din ang mga ito na pagaanan ang kanilang mga responsibilidad para mabawasan ang kanilang stress.
Binawasan na ng Department of Education (DepEd) ang paperwork ng mga guro sa pampublikong mga paraalan.
Kasunod na rin ito ng ulat na pagpapakamatay ng ilang mga guro.
Sa DepEd, mula sa dating 36 school forms tanging 10 school forms na lamang ngayon ang kinakailangan na kumpletuhin ng mga guro.
Binigyang diin ng kagawaran na kabilang ito sa mga hakbang na ginawa ng ahensya upang mabawasan ang workload ng mga guro at mabigyan sila pagkakataon na mas tumutok sa pagtuturo.