Ipinaalam ni Senate President Vicente Sotto III sa Malacañang ang desisyon nilang i-custody si Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Sotto na ipinaabot niya sa Palasyo na sinusunod lamang niya ang tradisyon sa Senado.
Wala aniya silang ibang motibo sa komunikasyon kundi ipaalam lamang sa Palasyo ang dahilan ng pagkanlong nila kay Trillanes.
Bagamat wala pang sagot, inihayag ni Sotto na naniniwala siyang naiintindihan ng Malacañang ang kanilang posisyon sa usapin.
‘Unlawful revocation’
Iginiit ng ilang kongresista ang anila’y unlawful revocation sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.
Isang resolusyon ang inihain ng mga kongresista para kontrahin ang nasabing hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa senador.
Kabilang sa mga naghain ng nasabing resolusyon sina Representatives Gary Alejano, Teddy Baguilat, Jose Christopher Belmoe, Emmanuel Billones, Arlene Brosas, France Castro at Ariel Casilao.
Bukod pa ito kina Congressmen Raul Daza, Sarah Elago, Edgar Erice, Edcel Lagman, Tom Villarin at Carlo Zarate.
Nakasaad sa House Resolution 2155 na mayroong ibang konkretong ebidensyang magsasabing tunay na naghain ng application si Trillanes para sa amnesty nito katulad na lamang ng mga larawan at video footages.
—-