Dapat nang ipatupad ang dagdag sahod sa mga manggagawa dahil sa hindi mapigilang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin na umabot na sa 6.4 percent, ang pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.
Ayon sa ekonomistang si Albay 2nd District Representative Joey Salceda, kung magiging permanente o magtatagal ang mataas na presyo ng bilihin ay maaari na itong magresulta sa wage inflation o umento sa sahod.
Ibinabala na marami aniyang pamilyang mahirap ang maaaring maapektuhan at mas malaking problema ang kahaharapin ng gobyerno kung hindi itataas ang minimum wage ng mga manggagawa.
Na dapat maging balanse ang sahod sa presyo ng mga bilihin upang mapanatiling maayos ang pamumuhay ng bawat pamilya.
“So ibig sabihin mas darami po ang mas mahihirap, alam mo naman ang computation ng poverty ang income mo less ng iyong expenditure, eh ang expenditure mo ay umangat pero ang income ay stable so nandun tayo sa kumbaga nagiging mas kumplikado kung wala tayong gagawin now na ma-reestablish natin ang institutional credibility ng government na dapat ang inflation ay mababa para patuloy ang pagnenegosyo at pagtatrabaho dito sa atin.” Pahayag ni Salceda
(Ratsada Balita Interview)