Sugatan ang isang indibidwal sa pagtama ng magnitude 6.3 na lindol ang Ecuador.
Nagmula ang sugatang biktima sa bayan ng Babahoyo kung saan ay nabalian ito ng buto.
Sa lakas ng pagyanig, nagtumbahan ang mga poste ng kuryente dahilan upang mawalan ng suplay ng kuryente ang mga lugar ng Puertas Negras, Guano at Chunchi.
Ayon sa US Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong siyamnapu’t limang kilometro timog ng siyudad ng ambato at may lalim ng isandaan at labindalawang kilometro.