Nagrereklamo na ang mga may-ari ng karinderya dahil sa taas ng presyo ng mga sangkap sa pagkain.
Sa isang karinderya sa Oranbo, Pasig City, nabawasan ang mga sangkap na gulay sa ilang ulam tulad ng carrots at sayote habang wala na ring sili sa mga sawsawan kaya’t gumawa na lamang sila ng garlic sauce.
Aminado ang mga may-ari ng karinderya na tanging pagbabawas ng sangkap ang kanilang maaaring gawin dahil hindi nila magawang magtaas ng presyo ng ulam.
Nasa 25 pesos na rin ang kada order ng gulay habang 45 pesos pa rin sa karne pero bawas na ang sangkap.
Sa isa namang fastfood chain sa Cubao, Quezon City na naghahain ng inasal, wala na ring siling labuyo dahil sa taas ng presyo nito.
Samantala, tumaas naman ng dalawang piso ang lugaw sa ilang kainan dahil sa taas ng presyo ng bigas.