Hawak na ng mga awtoridad ang apat na suspek na sangkot sa pagpapasabog sa Lamitan, Basilan noong Hulyo.
Ayon sa ulat, nasa kustodiya na ng Philippine National Police ang mga suspek na kinilalang sina Abdurahim Darul Lijal alyas Mike Lijal, Mule Usman Abu Fatie, Hadji Hurang alyas Nura Anahin Narimin at Albaser Santos Ahamad alyas Katada.
Dalawa sa mga suspek ang mismong umaminb na kasama sila sa naturang pag-atake.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder.
Matatandaang labing isang katao ang nasawi sa kabilang ang suicide bomber sa Lamitan bombing noong July 31, 2018.