Nakiisa na rin sa military operation ang Russia bilang suporta sa gobyerno doon.
Ayon sa ulat nagpadala na ang Russia ng 2 landing ships at karagdagang cargo aircraft sa Syria.
Gayunman, sinabi ng Estados Unidos na hindi nila batid ang tunay na motibo at papel ng Russia sa civilwar na nagaganap sa Syria.
Posible umanong nais lamang ng Russia na magamit ang airfield sa Syria na malapit sa Puerto ng Latakia na balwarte ni Syrian President Bashar Al Assad.
Tiniyak ng Estados Unidos na mahigpit nilang babantayan ang sitwasyon sa Syria.
By: Ralph Obina