Nagbabala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng posibleng kaguluhan na maaring mangyari dahil umano sa pagsisikap at pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno para mapakulong si Senador Antonio Trillanes IV.
Matatandaang humirit ng arrest warrant ang Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 at 150 na una nang nagbasura ng rebellion at coup d’ etat case laban kay Trillanes.
Nangangamba ang IBP sa ginagawang forum shopping ng gobyerno na posibleng maglagay sa alanganin ang Hudikatura.
Una nang dumulog si Trillanes sa Korte Suprema upang ipawalang bisa ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawi sa ipinagkaloob sa kanyang amnestiya.