Dating Presidential Candidate Manuel “Mar” Roxas II, dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno at actor Dingdong Dantes.
Ilan lamang ito sa mga lumutang na pangalan na sinasabing nasa listahan ng Liberal Party (LP) para isabong sa senatorial elections sa susunod na taon.
Ayon sa source, pasok din sa senatorial slate ng LP led coalition sina Magdalo Representative Gary Alejano, Senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, dating Chief Justice Hilario Davide Jr., Human Rights Lawyer Chel Diokno, dating Akbayan Party-list Representative Barry Gutierrez, Marawi based aid worker Samira Gutoc, dating Solicitor General (SolGen) Florin Hilbay.
Nasa line up din umano ang aktres na si Agot Isidro, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Atty. Romulo Macalintal, dating Deputy Speaker Lorenzo Tañada III, dating Palace Undersecretary Manolo Quezon III, dating DSWD Secretary Dinky Soliman, Singer-Activist Leah Navarro at Jim Paredes.
Sa 18 na nasa listahan, apat (4) ay miyembro ng LP at ang nalalabing 14 ay dating opisyal ng Aquino administration o masugid na supporters ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sinabi ng source na bahala na ang party leaders na magpasya sa pinal na listahan ng senatoriables ng oposisyon.