Inihirit ng oposisyon sa Senado na imbestigahan ang inilabas na proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa amnestiya ni Senador Antonio Trillanes IV.
Batay ito sa inihaing resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, mga senador Bam Aquino, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros at Leila De Lima.
Tinukoy ng mga senador ang Proclamation No. 572 bilang fraudulent at erroneous.
Nais ng mga senador imbestigahan ang naging proklamasyon para magkaroon ng remedial legislation para maiwasan na ang presidential abuse of power sa hinaharap.