Mananatili sa gusali ng Senado si Senador Antonio Trillanes IV.
Ito ang naging pasya ni Trillanes kasunod na rin ng payo ng kanyang mga kapwa senador na huwag munang lumabas ng gusali hangga’t wala pang malinaw na tugon hinggil sa planong pag-aresto sa kanya.
Ayon kay Trillanes, may ilang mga taga-AFP o Armed Forces of the Philippines na kanilang nakausap ang nagsabing may mga nakaabang pa ring sundalo para arestuhin siya.
Tinawag pang trap ng senador ang pahayag ng Pangulo na hindi ito aarestuhin hangga’t walang warrant of arrest.
Una rito, ikinunsidera ni Trillanes ang umuwi na sa kaniyang pamilya kasunod ng naging ruling ng Korte Suprema sa hirit na temporary restraining order laban sa proklamasyon ni Pangulong Duterte na nagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.
—-