Nagka-aberya ang biyahe ng LRT line 1 sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.
Ayon kay LRT -1 Operations Head Rod Bilario, isang pasahero ang aksidenteng napindot ang warning signal ng pintuan ng tren sa Tayuman Station.
Dahil dito, ibinaba sa 15 kilometers per hour ang bilis ng andar ng tren ng LRT mula sa normal na 40 kilometers per hour.
Alas-7:00 na ng umaga nang maibalik sa normal ang bilis ng takbo ng mga tren at naialis na rin sa riles ang nagka-depektong tren.
Dahil sa aberya, nagdulot ito nbg mahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon partikular sa EDSA, Roosevelt, Balintawak, Monumento, 5th Avenue, R. Papa at Abad Santos.
—-