Nais muna umanong makausap ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Vice President Leni Robredo bago ito magpasyang tumakbo sa pagka-senador.
Ito ang inihayag ni Liberal Party (LP) Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pakikipag pulong nito kahapon sa dating punong mahistrado ng Korte Suprema para pag-usapan ang senatorial line up ng partido para sa magaganap na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Pangilinan, hindi pa nakakapagdesisyon si Sereno kung tatanggapin nito ang alok ng LP bilang isa sa pambato sa pagka-senador.
Samantala, binisita rin ni Sereno ang dati nitong estudyante sa University of the Philippines na si Senador Francis “Chiz” Escudero.
Ipinabatid ni Escudero na sinabi rin sa kanya ni Sereno na hindi pa ito tiyak sa pagsabak sa pulitika sa 2019 elections.