Ipinaubaya na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga local chief executives ang pagsasagawa ng pre-emptive evacuation sa lahat ng kanilang nasasakupan.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, ngayon pa lamang ay posible nang maramdaman ang mga pag ulang dala ng bagyo dahil sa inaasahang pagpapaigting nito sa hanging habagat.
Sa ganitong sitwasyon aniya ay dapat nang makaroon ng disaster preparedness plan ang bawat Local Government Units (LGUs) para maiwasan nang maulit pa ang pinsalang idinulot ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa bansa nuong 2013.