Panimulang hakbang pa lamang umano para maisaayos ang National Food Authority (NFA) ang pagbibitiw sa pwesto ni Administrator Jayson Aquino.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, bukod sa pagbibitiw ni Aquino, marami pa rin ang dapat na gawin upang masiguro ang sapat na suplay na bigas para hindi na maulit ang krisis na naranasan dito.
Kabilang aniya sa mga hakbang na dapat gawin ng pamahalaan ay ang tarrification ng mga agricultural products, pagpapahintulot sa pagpasok ng mga dagdag na private investment sa agrikultura kabilang na ang teknolohiya at mechanization at iba pa.
Una rito, pinanawagan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbuwag sa NFA.