Ipinawalang bisa ng kamara ang House Bill 7436 na bubuwag sa Road Board.
Magugunitang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Mayo 15 ang nabanggit na panukala sa ilalim ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, na may akda ng bill.
Pebrero 12 naman nang lumusot din sa senado sa ikatlo at huling pagbasa ang kahalintulad na panukalang batas na ini-akda naman ni Senador Manny Pacquiao.
Gayunman, sa sesyon kahapon, walang kumontra sa mosyon si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na ibasura ang approval at huwag nang isulong ang pagsasabatas nito ng House Bill 7436.
Ang Road Board ang nangangasiwa sa pondo mula sa motor vehicle user’s charge na ginagamit lamang para sa road maintenance at improvement ng road drainage, paglalagay ng traffic lights, road safety devices at air pollution control.