Nagbabadya nang tumaas ang singil sa tubig ng Maynilad Water Services sa susunod na buwan ito’y matapos payagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang petisyon ng maynilad para makapagpatupad ng rate adjustments.
Ayon sa Maynilad, batay sa inilabas na pasya ng MWSS board, pinapayagan nito ang 90 sentimos na taas singil sa tubig para sa rate rebasinggayun din ang karagdagang 11 sentimos para sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).
Dahil dito, papalo sa P2.70 ang nakatakdang water rate hike para sa mga kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa kada buwan.
P7.80 naman ang inaasahang taas singil para sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 20 cubic meters.
Habang mahigit labing anim na piso naman ang itaaas sa singil sa tubig para sa mga kumokonsumo ng 20 hanggang 30 cubic meters.
Manila Water magbababa ng singil sa tubig
Magpapatupad naman ng rollback o tapyas singil sa kanilang mga konsyumer ang Manila Water Company.
Ito’y batay sa naging pasya naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) makaraang payagan nito ang petisyong inihain ng Manila Water.
Dahil dito, 20 sentimos kada cubic meters ang ipatutupad na rollback ng manila water para sa kanilang Foreign Currency Differential Adjustments (FCDA).
12 sentimos ang inaasahang tapyas singil ng manila water para sa mga kumokonsumo ng 10 cubic meters habang 27 sentimos naman ang tapyas singil para sa mga kumokonsumo ng 20 cubic meters na tubig.