Napinsala ng bagyong ‘Ompong’ ang Tuguegarao airport sa Cagayan.
Sa ipinadalang litrato ni Office for Transportation Security Undesecretary Art Mendez Evangelista, makikitang halos natapyasan ng bubong at nagkabasag-basag ang ilang mga gamit sa nasabing paliparan dala ng bugso ng hangin na dulot ng bagyo.
Matatandaan na batay sa inilabas na notice to airmen ng Civil Aviation Authority of the Philippines ngayong umaga, isinara na ang Tuguegarao airport maging ang ilang paliparan sa hilagang Luzon dahil sa hagupit ni Ompong.
TINGNAN:
Tuguegarao Airport, napinsala ng bagyong #OmpongPH | via @raoulesperas (Photos courtesy of OTS Chief, USec. Art Mendez Evangelista) pic.twitter.com/WpGFZu769s
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 15, 2018