Nagsimula nang magpakawala ng tubig ang ilang dam sa Luzon dahil sa Bagyong Ompong.
Ayon kay PAGASA Hydrologist Elmer Karingal, binuksan na ang ilang gate ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet at Magat Dam sa Isabela.
Binuksan ang limang gate ng Ambuklao Dam at anim na gate ng Binga Dam.
Pinayuhan ang mga residente na malapit sa San Roque Dam na lumikas at mag ingat dahil ito ang sasalo sa pinakawalang tubig sa Ambuklao at Binga.
Isang gate naman ang binuksan sa Magat dam na inaasahang magpapataas pa sa tubig ng Cagayan River.
Samantala, nagpakawala na rin ang Ipo Dam ng tubig matapos na lumagpas sa spilling level ang antas ng tubig sa dam.
Bumagsak naman ang mga pinakawalang tubig sa Bustos Dam na ngayon ay nagpapakawala na rin ng tubig.
Inaasahang maapektuhan nito ang Plaridel, Baliwag, Pulilan, Calumpit, Hagonoy, Paombong at Malolos, Bulacan.