Higit 56,000 mga residente ang inilikas na dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, una nang nagpatupad ng preemptive evacuation ang probinsyang apektado ng bagyo tulad sa Kalinga, Apayao, Mt. Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela at Cagayan.
Maliit aniyang bilang ito kumpara sa projected na bilang ng residenteng maapektuhan na aabot sa 4.9 na milyon.
Una nang nag landfall ang bagyo sa Baggao, Cagayan kaninang 1:40 ng umaga habang noong 7:00 ng umaga ay naitala ang bagyo sa Kabugao, Apayao.