Bahagyang bumaba ang kinita ng bansa mula sa exports para nitong Hulyo 2015.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot lamang sa 5.3 Billion US Dollars ang kinita ng bansa nitong Hulyo, mas mababa ng halos 2 porsyento, noong Hulyo 2014.
Ipinaliwanag ni Economic Planning Sec. Arsenio Balisacan, na bumaba ang kita ng pamahalaan mula sa export, dahil sa mas mababang kita mula sa agro-based products.
Sa kabila nito, nananatili namang malakas ang pag – export ng manufactured goods, lalo na ang electronics at petroleum.
By: Katrina Valle