Nasawi ang 3 katao habang 4 naman ang nawawala sa magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet kasunod ng pananalasa ng Bagyong Ompong.
Pahayag ni Itogon Mayor Victorio Palangdan, kasama sa mga namatay ang isang 13-anyos na bata.
Bigla na lang umanong bumigay ang lupa kung saan nahulog ang isang backhoe at natangay din ang mga biktima.
Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy ang retrieval operations sa mga pinangyarihan ng insidente.
Higit 177,000 katao, apektado ng kalamidad
Samantala, umabot na sa apatnapu’t limang libong (45,000) pamilya o nasa isandaan pitumpu’t pitong libong (177,000) katao na sa regions 1, 2, 3, Cordillera, National Capital Region, Calabarzon at MIMAROPA ang naapektuhan ng bagyong Ompong.
Mula sa naturang bilang, mahigit dalawampu’t apat na libo apatnaraang (24,400) pamilya o halos siyamnapu’t tatlong libong (93,000) katao na ang nananatili sa siyamnaraan tatlumpu’t pitong (937) evacuation centers.
Nasa apatnalibo dalawandaang (4,200) pasahero naman ang stranded habang tinaya sa walundaan tatlumpung (830) vessels at halos isandaang (100) motorbanca ang stranded sa iba’t ibang pantalan.
Samantala, inaalam pa ng NDRRMC mula sa Departments of Agriculture at Public Works and Highways ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.
PIA-CAR/BAGUIO CITY:
PRO-Cor Regional Director PCSupt. Rolando Nana ordered additional Search and Rescue troops to assists in the on going operation in Lucnab, Baguio City.
At least 3 people were buried in a landslide incident during the heavy rains yesterday.#OmpongPH pic.twitter.com/lje6OJaavq— PIA Cordillera (@PIA_Cordillera) September 16, 2018