Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility at bahagyang humina ang Bagyong Ompong na may international name na Mangkhut.
Ayon sa PAG-ASA, dakong 9:00 kagabi nang lumabas ng PAR ang bagyo.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 395 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 180 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran o patungong Hongkong at Southern China sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang public storm warning signal 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Batanes habang signal number 1 sa Bataan, Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan at Zambales.