Tiniyak ng mga economic manager ng gobyerno sa publiko na magiging stable na sa mga susunod na panahon ang presyo ng mga pangunahing bilihin matapos simulang ilatag ang mga solusyon upang maibsan ang epekto ng inflation.
Kabilang sa mga inilatag na solusyon ang pagpapalabas mula sa warehouse patungo sa mga pamilihan ng 4.5 milyong sako ng NFA rice.
Inaasahan ng NFA Council sa katapusan ng buwan ang delivery ng tinatayang dalawang milyong sako ng imported na bigas, limang milyong sako sa susunod na isa’t kalahating buwan at karagdagang limang milyon sa unang bahagi ng susundo na taon.
Ipinanawagan naman ng mga economic manager sa Senado ang agarang approval ng rice tariffication bill upang mapanatiling stable ang supply at mapababa ang presyo ng bigas.