Walang naitalang nasawi sa lalawigan ng Cagayan kahit pa ito ang pinaka-unang nakalasap ng bagsik ng Bagyong Ompong sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nagsi-uwian na aniya ang mga nagsilikas nilang kababayan na aabot sa 66,000 indibiduwal.
Subalit, sinabi ni Mamba na naiwan na lamang sa mga evacuation centers ang mga wala nang babalikan pang bahay dahil nasira ng bagyo.
Bagama’t wala pa aniyang nai-uulat na casualty sa lalawigan, umaasa si Mamba na makamit nila ang target na zero casualty dulot ng bagyo.
Sa kasalukuyan, wala pa ring suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Cagayan at posibleng abutin pa ng ilang linggo bago ito tuluyang maibalik sa normal.