Sa ika-anim na sunod na linggo, muling inilarga ng mga kumpanya ng langis ang dagdag presyo sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas-6:00 kanina ipinatupad ng Petron, Shell, Chevron, Phoenix Petroleum, Jetti, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Petro Gazz, Seaoil at Total ang dagdag singkwenta sentimos (P0.50) sa kada litro ng gasolina; kinse sentimos (P0.15) sa kada litro ng diesel habang bente sentimos (0.20) sa kada litro ng kerosene o gaas.
Wala namang ipatutupad na price increase sa kerosene sa mga lugar na nasa state of calamity.
Ang panibagong price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.
—-