Isinailalim na sa state of calamity ang mga lalawigan ng Isabela at Ilocos Norte dahil sa malawakang pinsala ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Isabela Governor Faustino Bodjie Dy III, nasa P3.5 billion ang kabuuang pinsala sa mga tanim na palay at mais ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan ang sinira ng Bagyong Ompong.
Ito aniya ay kayat hiniling niya sa Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan ang mga magsasaka.
Sinabi ni Dy na patuloy ang pag-iikot ng Provincial Engineering Office at Department of Public Works and Highways (DPWH) para malaman ang danyos ng mga imprastruktura.
Samantala, pumapalo na rin sa P3 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura at agrikultura ng Bagyong Ompong sa buong lalawigan ng Ilocos Norte.