Pinakakasuhan na ng paglabag sa graft and corrupt practices act, sina dating Presidential Commission on Good Government Commissioner Magtanggol Guinigundo.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales, ito ay kaugnay sa compromise agreement na pinasok ni guinugundo at ng kampo ni dating Muntinlupa Mayor Maximo Argana.
Ang kaso ay nagmula sa inihaing petition for forfeiture na isinampa ng kampo ni Guinugundo, sa ill – gotten wealth ni Argana, noong 1987.
Sa compromise agreement, ibinalik ni Argana sa pamahalaan ang mahigit sa 361 hectares na bahagi ng mahigit sa 481 hectares na lupain nito sa Panggil, Laguna.
By: Katrina Valle