Bagsak muli sa 54 level ang halaga ng piso kontra sa dolyar.
Ito ayon sa market analysts ay kasunod na rin ng pahayag ni US President Donald Trump na determinado siyang isulong ang planong 200 billion US dollars na halaga ng US tariffs sa Chinese goods ngayong linggo.
Dahilan ito para mabuhay ang safe haven demand para sa dolyar laban sa local currency.
Naitala sa 53. 97 ang closing rate nuong Biyernes o huling trading day nuong isang linggo.