Umakyat pa sa 64 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Kinilala ng NDRRMC ang ilan sa mga nasawi na sina Mauricio De La Cruz, 82-year-old ng Santa Lucia, Ilocos Sur; Catherine Garcia, 23-year-old at apat na buwang buntis na residente ng San Jose City, Nueva Ecija;
Rolando Baggay, Nena Baggay, Lanibeth Baggay Minimo, Darwin, Kierstein at Klyde Minimo na pawang residente ng Bontoc, Mountain Province.
Nasa 645,000 katao naman ang apektado ng kalamidad sa regions 1, 2, 3, NCR, CALABARZON, MIMAROPA at CAR.
Mula sa naturang bilang, mahigit 162,000 katao naman ang nananatili sa 1,900 evacuation centers.
Samantala, aabot naman sa P29 bilyon ang halaga ng pinsala iniwan ng bagyo sa agrikultura at Cordillera pa lamang.