Lumarga sa Kamara kahapon ang plenary debates sa proposed P3. 757 trillion national budget para sa susunod na taon matapos ang dalawang araw na delay.
Inisponsaran ni House committee on appropriations vice chairperson Maria Carmen Zamora ang House Bill 8169 o General Appropriations Bill (GAB) para sa 2nd reading approval sa plenaryo.
Sa kanyang speech, inihayag ni Zamora na plano ng administrasyon ni pangulong rodrigo duterte na pondohan ang 2019 budget sa pamamagitan ng tax at non-tax revenues maging ng local at international resources.
Karaniwang iniisponsaran ang proposed national budget ng chairman ng kumite na kasalukuyang pinamumunuan ni Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles.
Gayunman, nawala sa hurisdiksyon ni Nograles ang GAB noong martes makaraang mag-convene ang House leadership bilang committee of the whole na nag-realign sa P51.79 bilyon na mula sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Naganap ito matapos madiskubre ng liderato ng Kamara ang mahigit P50 bilyon na halaga umano ng “misplaced” funds sa susunod na taon.
(Ulat ni Jill Resontoc)
Tuloy na talaga ngayon araw sa Kongreso ang deliberation ng 2019 budget proposal -Andaya @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) September 19, 2018
Si Cong.Maria Carmen Zamora at hindi si Cong.Karlo Nograles nagsagawa ng sponsorship speech ng 2019 GAA/Budget proposal @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) September 19, 2018