Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) panel of investigator ang pagsasampa ng anim na kaso ng homicide laban kay Chief Inspector Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz PNP at iba pa.
Kaugnay ito sa pagkakapatay ng pulisya sa mga di umano;y residente lamang ng Ozamiz City nang paulanan di umano sila ng bala sa isang birthday party noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ang grupo ni Franciso Manzano, isa sa mga napatay ay sinasabing pinadapa at saka niratrat ng grupo ng mga pulis sa pangunguna ni Espenido.
Matatandaan na matapos mapatay ay inilatag pa nina Espenido ang katawan ng mga napatay sa kalsada ng Ozamiz.
Una nang iginiit ni Espenido na lehitimong police operations ang kanilang ginawa laban sa mga pinaghihinalaang robbery suspects.
Samantala, ibinasura naman ng DOJ panel ang murder at arbitrary detention laban sa grupo ni Espenido.
(Ulat ni Bert Mozo)