Mula religious groups hanggang sa mga militante at human rights groups ang magtitipon-tipon bukas para gunitain ang deklarasyon ng martial law.
Magaganap ito sa Luneta dakong alas-4:00 ng hapon at tinaguriang United People’s Action.
Ang iba’t ibang grupo mula sa simbahan tulad ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines, Promotion of Church and People’s Rights, Sangguniang Laiko at Religious Discernment Group ay magkakaroon muna ng isang misa pasado alas-2:00 ng hapon sa San Agustin Church bago magmartsa patungo ng Luneta.
Inaasahan sa program ang mga salaysay hinggil sa mga kahindik-hindik nilang karanasan sa martial law.
Layon ng rally na tiyakin din na hinding-hindi na muli maisasailalim sa martial law ang bansa.
Security preparations
Samantala, kasado na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) para sa demonstrasyon sa Luneta bukas, bilang paggunita sa deklarasyon ng martial law.
Ayon kay Chief Supterintendent Gulllermo Eleazar, hepe ng PNP, nakipagpulong na sila sa convenors ng rally at naglatag sila ng mga panuntunan upang maiwasan ang kaguluhan.
Ipinaalam aniya ng convenors na gagawin ang kanilang programa sa Luneta sa may bahagi ng Roxas Blvd at sa pagitan ng P. Burgos at TM Kalaw Streets.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ruta o kung may isasarang kalsada.
—-