Ganap ng isang bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang pagpasok nito bansa sa Linggo at papangalanang Paeng.
Huling namataan ang bagyo silangan ng Southern Luzon.
Malaki rin ang tyansa na dumaan ang naturang bagyo sa Batanes sa susunod na Huwebes at Biyernes.