(This is a developing story. Please refresh the website for updates)
Pumapalo na sa 41 ang kumpirmadong nasawi sa naganap na landslide sa Itogon, Benguet.
Ayon sa NDRRMC, posibleng marami pa sa mga naunang nai report na nawawala ang natabunan din sa pagguho ng lupa.
Siyam na labi ang narekober ng mga otoridad sa kanilang operasyon hanggang kaninang tanghali.
Una nang nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau na posibleng maulit ang landslide kapag umulan kaya’t binawasan ng lokal na pamahalaan ang mga miyembro ng rescue and retrieval team na nagtatrabaho sa ibaba ng guho.
Sa tala ng CAR o Cordillera Administrative Region, mahigit 40 ang nasawi sa rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
(Ralph Obina and Judith-Estrada Larino)