Pitong sundalo ang sugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa bayan ng Buenavista sa Agusan Del Norte.
Batay sa ulat nangyari ang insidente nang makasagupa ng mga sundalo ang New People’s Army (NPA).
Matapos ang ilang minutong bakbakan bigla na lamang umanong pinasabugan ng landmine ang mga sundalo.
Agad namang isinugod sa ospital ang naturang mga sundalo.
Tatlo rito ang agad na nakalabas matapos magtamo lamang ng ilang sugat habang patuloy naman na ginagamot ang apat na sundalo sa Camp Evangelista makaraang tamaan ang mga ito ng shrapnel.