Libu libo katao ang nakiisa sa paglilinis ng Manila Bay para sa tinaguriang 33rd International Coastal Clean Up.
6:00 ng umaga nang magsanib puwersa ang mga estudyante, volunteers at kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno para maglinis ng Manila Bay at ang mga kalat ay inilagay sa pampang sa Baywalk.
Nakilahok din sa clean up ang mga miyembro ng Philippine Coastguard, AFP at PNP samantalang naging tungkulin ng MMDA ang pag sort at pag segregate ng mga basurang nakolekta.
Inihiwalay din ang mga plastic at kahoy na nakuha sa nasabing clean up na isinulong ng Manila City Government katuwang ang mga environmental groups tulad ng Greenpeace.