Na-retrieve ng mga rescuers ang isang katawan mula sa nangyaring landslide sa Barangay Lucnab, Baguio City.
Ayon kay Julius Santos, operations officer Baguio Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang ang biktima sa tatlong miyembro ng isang pamilya na natabunan ng lupa sa naturang pagguho.
Sa ngayon, nagpapatuloy aniya ang kanilang operasyon upang hanapin ang dalawa pang nawawalang indibidwal.
Pahayag ni Santos, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng pananalasa ni Bagyong Ompong noong nakalipas na linggo.
Samantala isa rin aniyang hiwalay na search and retrieval operation ang isinasagawa sa bahagi ng Loakan matapos mapaulat na may isa ring missing person ang pinaniniwalaang na nabaon sa lupa dahil sa landslide.