Wala umanong plano ang aktres na si Kris Aquino na tumakbo sa pagka-senador.
Ito ang nilinaw ng dating presidential sister at daughter matapos mapabilang ang kanyang pangalan sa senatorial survey ng Pulse Asia para sa 2019 midterm elections.
Bagaman pasok si Kris sa 19 to 23 rank, ipinaliwanag ng ‘Queen of All Media’ na mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang financial dealings at endorsement contracts.
Maka-ilang beses na ring binanggit ni Kris na alinsunod sa kanyang mga endorsement contract ay bawal siyang pumasok sa pulitika.
Aniya, hindi rin niya kakayaning pumasok sa pulitika lalo’t single parent siya at hindi rin patas para sa kanyang pinsan na si Senador Bam Aquino ang pagkakasama sa survey.