Pumalo na sa 18 bilyong piso ang naging pinsala ng Bagyong Ompong sa imprastraktura at agrikultura sa buong bansa.
Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinakamalaking bahagi ng naging pinsala ay mula sa sektor ng agrikultura na pumalo sa 14.3 bilyong piso mula sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Region 5 at CAR o Cordillera Administrative Region.
Sa CAR pa lamang, higit 170,000 mga magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, higit 300 mga kalsada at pitong mga tulay ang nasira kung saan 23 kalsada at dalawang tulay ang hindi pa rin madaanan.
Habang umabot naman sa 2.1 milyong pisong indibidwal o higit 500,000 pamilya ang apektado ng bagyo.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang walong probinsya at pitong syudad at munisipalidad dahil sa matinding pinsala ng bagyo.