Binawi ni Ombudsman Samuel Martires ang isang taong suspension na ipinataw ni dating ombudsman Conchita Carpio Morales sa 9 na alkalde at 62 pang lokal na opisyal.
Ang suspension order ay ibinaba noon ni Morales matapos mabigo ang mga opisyal na ipasara ang kanilang open dumpsites bilang pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Law.
Kabilang sa mga sinuspindi noon ng Ombudsman sa pamamagitan ng Dept of Interior and Local Government ay sina Tabaco City Albay Mayor Cielo Krisel Lagman-Luistro, Polangui Albay Mayor Cherilie Sampal, Daraga Albay Mayor Gerry Jaucian, Bangbang Nueva Vizcaya Mayor Flaviano Dizon Balgos Jr, Silang Cavite Mayor Emilia Lourdes Poblete, Abucay, Bataan Mayor Ma. Kristine Dela Fuente, Rizal Palawan Mayor Normal Ong , Bato Leyte Mayor Nathaniel Gerots at Trece Martirez Cavite Mayor Melandres De Sagun.
Binigyang diin ni Martirez na masyadong mahal para sa mga 5th at 6th class municipalities ang Ecological Solid Waste Management dahil aabot sa halos 15 milyong piso ang kailangan para isara ang isang dumpsite.
Magsisilbi rin anya itong panawagan sa kongreso na muling silipin ang ipinasa nilang batas.