Dinagsa ng mga world leader ang New York City, sa Estados Unidos upang makibahagi sa 73rd session ng United Nations General Assembly.
Kabilang sa mga tinalakay ang Iran nuclear deal, Rohingya crisis, kinabukasan ng UN Relief and Works Agency, digmaan sa Syria at Yemen.
Nagbigay naman ng talumpati bilang unang batch ng mga leader sina US President Donald Trump, Turkish President Recep Tayyip Erdogan, French President Emmanuel Macron at Iranian President Hassan Rouhani.
Kapwa nagbatuhan ng akusasyon sina Trump at Rouhani kaugnay sa economic sanctions na ipinataw ng US sa Iran makaraang maunsyami ang nuclear deal.
Sinupalpal din ni Rouhani si Trump at inihalintulad sa mga Nazi dahil sa paghikayat nito sa mga mamamayan ng Iran na pabagsakin ang kanilang gobyerno habang tinawag din niyang economic terrorism ang mga sanction ng US.
Rumesbak naman ang Pangulo ng Estados Unidos sa pagsasabing asahan na ng Iran ang karagdagang sanctions kung hindi ititigil ang paggawa ng armas nukleyar.
—-