Ibinabala ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang posibleng paglala ng inflation rate ng bansa sa oras na tuluyang masuspinde ang lahat ng quarry operations sa bansa.
Ito’y matapos ipag utos ni Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na pansamantalang isuspinde ang operasyon ng lahat ng quarry site sa bansa.
Ayon kay Escudero, magbubunga ito ng pagtaas sa presyo ng bilihin partikular sa halaga ng construction materials tulad ng semento.
Dahil dito posibleng malagay sa alanganin ang mga infrastructure project ng gobyerno sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.
Sinabi ni Escudero na sa halip na agarang ipasara ang mga quarry operations sa bansa ay makakabuti aniyang magsagawa muna ang denr ng safety and geohazard evaluation sa mga mining at quarrying companies upang matukoy ang mga kumpaniyang may mga nilalabag at ito lamang ang tuluyang ipasara.