Kakasuhan ng Department of Health (DOH) ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine bago matapos ang taon.
Ito ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, ay kasunod nang patuloy na pakikipag pulong nila sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa isapinal ang isasampang kaso laban sa Sanofi Pasteur.
Ipinabatid ni Domingo na kada linggo ay nagpuplong ang legal team ng DOH at OSG para matiyak ang matibay na kaso.
Kabilang aniya sa tinututukan nila ang strategy na gagamitin ng gobyerno para maipanalo ang kaso lalo na’t naisumite na nila ang lahat ng mga kinakailangang dokumento sa abogado ng pamahalaan.