Idinipensa ng Malakanyang ang economic team ng Pangulong Rodrigo Duterte na bumyahe sa United Kingdom (UK) para sa the Philippine economic briefing.
Kasunod na rin ito ng batikos ng Federation of Free Workers (FFW) sa nasabing biyahe na hindi dapat dahil sa bumabagsak na halaga ng piso.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, paghahanap ng investments ang pakay ng cabinet officials na nasa UK.
Hindi aniya nawawala ang mga tumutuligsa na isinisi nito sa mga dilawan gayung i-pinopromote lamang ng economic team ang Pilipinas bilang investment destination. Ang Philippine economic briefing sa UK ay Pinangunahan ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez kasama sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Director Diwa Gunigundo, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at CEO Vivencio Dizon.
Sina Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ay sumama sa grupo para sa ilang serye ng pulong at talakayan sa mga kumpanyang Briton.