Tanging sa balik manggagawa lamang tinanggal ang deployment ban sa Micronesia.
Nilinaw ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III upang hindi maloko ang mga nag-aapply ng trabaho sa Micronesia.
Matatandaan na nagpatupad ng deployment ban ang pamahalaan sa Micronesia matapos magreklamo ang ilang OFW na di umano’y hindi binarayan ng suweldo sa isang pampublikong ospital sa Micronesia.
“’Yung mga nakauwi na mga kababayan natin na galing sa Micronesia puwede na po silang bumalik at ang mga kapatid natin na nasa Micronesia at gustong umuwi ay puwede na po silang umuwi kasi makakabalik na rin sila, ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang governing board ng POEA dahil balita na inaabuso ang ating mga kababayan doon at hindi nasusuwelduhan and medyo overstay na rin.” Pahayag ni Bello
(Balitang Todong Lakas Interview)